Dwayne Johnson, handang tumakbo sa pagka-pangulo ng Amerika

HANDANG tumakbo bilang pangulo ng Amerika ang ‘fast and furious’ star na si Dwayne Johnson at tinaguriang “The Rock”.

‘So I would wait, and I would listen. I would have my finger on the pulse, my ear to the ground,”  ani Dyane.

Ang 48-year old at highest-paid actor, inamin ang presidential ambition na maging presidente ng America.

“I do have that goal to unite our country and I also feel that if this is what the people want, then I will do that,”

“Truly I mean that, and I’m not flippant in any way with my answer,” dagdag ni Dwayne.

Ang naturang pahayag ni Johnson ay kasunod ng inilabas na online public opinion poll ng Piplsay kung saan 46 percent na mga Amerikano ay kinokonsidera ang pagboto kay Johnson.

Hindi naman binanggit ni Johnson kung saang partido siya magrepresenta sakaling itutuloy nito ang pagtakbo sa U.S presidential election.

Ang Jumanji star ay may bagong serye sa NBC, batay sa kanyang buhay na tinatawag na ‘Young Rock, kung saan, sa taong 2032, inilunsad niya ang pagkapangulo.

Dwayne Johnson
Hoilywood actor, Dwayne Johnson

Kasama niya rito ang iba pang celebrities, ang batikang aktor na si Arnold Schwarzenegger bilang gobernador ng California, dating Wrestler Jesse Ventura bilang gobernador ng Minnesota at dating aktor na si Ronald Reagan na isang mag-aaral at naging pangulo at marami pang iba.

SMNI NEWS