EXTENDED ang kontrata ni Dwight Ramos sa Levanga Hokkaido para sa 2024-25 season ng Japan B.League.
May 2022 nang mag-umpisang maglaro si Ramos sa Levanga subalit ito na ang kaniyang ikalawang koponan sa Japan.
Noong 2021-2022 season ay naglaro ito para sa Toyama Grouses.
Sa kabilang banda, bagamat may orbital fracture injury ay naniniwala ang manlalaro na makakapaglaro ito para sa Pilipinas sa FIBA Olympics Qualifiers.
Gaganapin ito sa Latvia ngayong Hulyo.