Economic recovery programs ng DA, suportado ng mga LGU

ILANG mga provincial governors, city at municipal mayors suportado ang Department of Agriculture (DA) sa implementasyon ng national programs na mapaunlad at gawing makabago ang agri-fishery sector ng bansa sa gitna ng pandemya.

Sa isang manifesto of support, determinado ang mga local chief executives na tulungan ang agrikultura ng bansa na gawing dynamic at high-growth sector.

Ito ay pinangunahan ng League of Provinces of the Philippines National Chair at Union of Local Authorities of the Philippines National President Quirino Governor Dakila Carlo Cua; at LPP National President at ULAP National Chair Marinduque Governor Presbitero Velasco, Jr.

Anila, ang agriculture at fishery sector ay mga major driver para sa kaunlaran ng ekonomiya ng bansa.

Ang mga livelihood at income generating opportunities anila ay magbibigay daan upang maibsan ang kahirapan ng mga magsasaka, mangingisda at iba pang manggagawa.

Umaasa naman sila na magiging matagumpay ang Department of Agriculture, sa tulong ng mga LGU, sa gagawin na mga local agricultural projects at initiatives.

Isa sa mga programa at inisiyatibo ng ahensiya na kanilang sinusuportahan ay ang “One DA” framework.

Ang “One DA” framework ay nagsisilbing guide ng ahensiya na ilunsad ang mga major programs nito sa taong 2021 kung saan target nila na makuha ang 2.5% growth.

Ang framework na ito ay makatutulong sa bansa matapos maapektuhan ng pandemya, African Swine Fever at ng mga kalamidad.

Dagdag  nila, ang LLP at ULAP ay nakikipatulungan kasama ang private sectors, veterinary groups, academe, hog raisers at traders para sa isang matagumpay na re-population program ng Department of Agriculture sa ASF-areas.

Ito ay masigurado ang availability ng baboy sa ibang lugar ng bansa.

Ayon kay Governor Dakila Carlo Cua at Governor Presbitero Velasco, Jr., mahalaga ang gampanin ng mga lokal na pamahalaan para sa ikakaunlad ng agri-fishery sector ng bansa.

Samantala, malaki ang kanilang kumpyansa na tutulungan ng Department of Agriculture ang mga lungsod at munisipalidad.

At magbibigay ang ahensiya ng technical at financial assistance para makamit ang  layuning  ‘masaganang ani at mataas na kita.’

SMNI NEWS