HINDI tiyak para kay Atty. Harry Roque kung ano ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa hiling ni US Vice President Kamala Harris na dagdagan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) bases nila dito sa Pilipinas.
Subalit para sa abogado, mas mainam na hindi na dagdagan pa at tanggalin na lang ang EDCAs sa bansa.
Ang EDCA bases ay isang military base ng Estados Unidos sa loob ng sariling military base ng Pilipinas.
Inaamin ni Roque na magiging mahirap ang magdesisyon tungkol dito ngunit kung ano man ang mangyayari ay susuportahan niya si Pangulong Marcos.
Samantala, maraming dahilan kung bakit sinasadyang makipagkaibigan ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Ayon kay Roque, isa na rito ang ideal na lokasyon ng Pilipinas.