Ellen Adarna sa kaniyang paninigarilyo: Isa sa kaniyang ‘poor choices in life’

Ellen Adarna sa kaniyang paninigarilyo: Isa sa kaniyang ‘poor choices in life’

IBINAHAGI ni Ellen Adarna na hininto niya na ang paninigarilyo dahil ikinonsidera niya itong isa sa kaniyang ‘poor choices in life’.

Sinabi ni Ellen na nasa withdrawal stage pa siya, subalit determinado naman siyang malampasan ito.

Dagdag pa ng aktres, dapat hanggang sa napakaiksing panahon lang magtatagal ang kaniyang withdrawal stage.

Ang paghinto sa paninigarilyo ay bilang paghahanda na rin ni Ellen sakaling magka-anak ito muli ngayong taon.

Matatandaang ikinasal si Ellen Adarna at Derek Ramsay noong taong 2021.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter