Ex-QC Mayor Herbert Bautista, pinayagan magpresenta ng dagdag witness vs graft case

Ex-QC Mayor Herbert Bautista, pinayagan magpresenta ng dagdag witness vs graft case

PINAYAGAN si dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na magpresenta ng karagdagang witness para sa kaniyang graft case.

Ang karagdagang witness ay ang representative ng Geodata Solutions Inc. na kinilalang si Rommel Chavez.

Ayon kay Bautista, malawak ang kaalaman ni Chavez hinggil sa procurement ng Online Occupational Permitting System kung kaya’t mainam na tumestigo ito.

Si Chavez din aniya ang project manager para sa ikinokonsiderang kontrobersiyal na proyekto sa Quezon City noong taong 2019.

Matatandaang nahaharap sa kasong graft si Bautista at si dating City Administrator Aldrin Cuña dahil sa umano’y irregular procurement ng Online Occupational Permitting and Tracking System limang taon na ang nakalipas na nagkakahalaga ng P32.1-M.

Maliban pa rito ay nahaharap din si Bautista sa hiwalay na graft case dahil sa ibinayad nila na P25.3-M sa Cygnet Energy and Power Asia, Inc.

Ang Cygnet ang siyang supplier at nag-install ng solar power system maging ang waterproofing works sa Civic Center Building sa Quezon City.

Iyon nga lang ay hindi dapat makatanggap ng naturang bayad ang cygnet dahil bigo itong makamit ang net metering system mula sa meralco na isang requirement ng supply at delivery agreement.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter