MAS mainam na mag-donate na lang sa anumang pinakamalapit na animal shelters.
Ito ang mungkahi ni Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang supporters at fans sakaling may plano itong magbigay ng regalo sa kaniyang kaarawan ngayong Enero 6.
Nag-ugat ang mungkahing ito ni Sharon kasunod ng pagpanaw ng kanilang pinakamatandang aso.
Ayon sa aktres, dito niya naisip na marami pang mga nai-rescue na hayop sa iba’t ibang animal shelters ang nangangailangan ng suporta at kalinga.
Sinabi na rin ng megastar na sakaling magbibigay ng in-kind donations sa anumang animal shelter ay ipangalan na ito sa kanilang sarili at kung ninanais naman nitong ipangalan sa kaniya, hindi na kailangan pang lagyan ng “Cuneta”.