DAPAT isamang i-ban ang lahat ng social media services sa Pilipinas kung i-ban ang TikTok.
Ayon ito kay Art Samaniego, ang tech editor ng Manila Bulletin kaugnay sa panukala na i-ban ang TikTok sa Pilipinas dahil banta aniya ito ng seguridad sa bansa.
Aniya, hindi lamang TikTok ang nangongolekta ng mga datos at mas marami pang nalalaman ang Facebook ukol dito.
Ang TikTok ay naka-ban na sa iba’t ibang mga bansa tulad ng Afghanistan, Pakistan, India, Belgium, Australia, at Canada.
Ani Samaniego, isang kadahilanan ay isang Chinese company ang TikTok at mandato nilang makibahagi sa intelligence service ng China.
Naniniwala naman si Samaniego na ang naturang panukalang i-ban ang TikTok ay dahil sa mga nangyayari sa kapaligiran.
Sa ngayon, may ginagawa na ang Department of Information and Technology (DICT) ng test sa lahat ng mga gadget na ginagamit ng gobyerno upang matiyak na ligtas itong gamitin para sa seguridad sa bansa.