NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagbili at paggamit ng Aidelai disposable face masks.
Sa abiso ng FDA, ito ay dahil hindi pa dumaan sa evaluation process ng ahensiya ang nasabing face masks.
Ayon sa FDA, hindi nila matitiyak ang kalidad at kaligtasan ng produkto.
Dahil dito, sinabi ng ahensiya na hindi dapat mag-distribute, mag-advertise at magbenta ng Aidelai disposable face masks ang mga establisimyento hanggang wala pang iniisyung product notification certificate kung hindi ay isusulong ang regulatory actions at sanctions sa mga ito.