NAGLABAS ng babala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa publiko laban sa paggamit ng cooling gel patch sa mga bata.
Maging ang pagbili at pagkain ng hindi rehistradong produktong pagkain.
Ayon sa FDA, hindi ito dumaan sa masusing pagsusuri ng ahensiya bago ilabas sa publiko kaya’t hindi tiyak ang kalidad at kung ligtas itong gamitin o kainin.
Ang cooling gel patch ay isang fever aid sa mga bata para mapababa ang mataas na lagnat nito.
Maliban sa nasabing fever aid, nagbabala rin ang FDA sa medical device products na Elderjoy adult slim pants, adhesive wound dressing-adhesive island dressing with non-adhering pad, at 5M waterproof medical tape anti-allergic PU film gauze pad transparent fixation tape health care.
Kabilang din ang Spirublet Organic Spirulina Tablet, Hong Tai Kee Foods Niang Huamei Stuff Plums at Strawberry Sour Candy; Candy Land Beans Candy, Harvey Minnie Mouse Ice Candy Mickey Mouse, Red Camia Brown Sugar, at AD Lactic Acid Bacteria Drinks.
Kasama rin ang produkto ng JC’s Puro rice anis, JC Puro pepper granule, JC Puro cheese powder at JC Puro pepper whole.–
Binabalaan din ng FDA ang kinauukulang establisyimento na huwag mag-distribute, mag-advertise, o magbenta ng nasabing mga produkto hangga’t hindi pa inilalabas ang Certificate of Product Registration (CPR) ng mga ito.
Mapaparusahan naman ang mga lalabag dito.