Ferdinand Guerrero ng Vhong Navarro case, nailipat na sa Bilibid

Ferdinand Guerrero ng Vhong Navarro case, nailipat na sa Bilibid

KASALUKUYAN nang nasa New Bilibid Prison– Quarantine Cell si Ferdinand Guerrero, isa sa apat na suspek na convicted ng kasong serious illegal detention for ransom na inihain ni TV host Vhong Navarro.

Kasunod ito sa pag-surrender ni Guerrero sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Mayo 16, 2024.

Magtatagal siya sa NBP-Quarantine Cell ng limang araw at walang ibibigay na visiting privileges ang NBP.

Sasailalim din ito sa ilang diagnostic procedures bago mailipat sa regular prison.

Kasama ni Guerrero na convicted ng 20-40 years prison term ay sina businessman na si Cedric Lee, model na si Deniece Cornejo at martial arts expert na si Simeo Raz Jr.

Sa promulgasyon ng desisyon ay dumalo si Cornejo at Raz kung kaya’t agaran itong nai-detain.

Si Lee at Raz ay nasa NBP na rin at nasa Correctional Institution for Women si Cornejo.

Follow SMNI NEWS on Twitter