Filipino frontliners sa United Kingdom na nahawaan ng COVID, nadagdagan pa

KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment ng Pilipinas na nadagdagan pa ang mga Filipino frontliners sa United Kingdom (UK) na apektado na rin ng COVID-19.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na batay sa report na isinumite sa kanya ng Philippine Overseas Labor Office sa London ay nakapagtala ng 26 na bagong kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga nurses at mga health care workers kaya umabot na ito sa total na bilang na 776.

Ang mga ito anya ay kasalukuyang nasa isolation room at binibigyan na ng kaukulang assistance pero hindi pa anya tiyak kung ang infection ba ay ang bagong strain ng virus.

Sinabi pa ni Bello na nakakalungkot na mabatid na ang new wave ng infection sa United Kingdom ay kasama ang mas maraming mga frontline Filipino workers

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.