Unemployment rate noong Marso, tumaas—PSA

Unemployment rate noong Marso, tumaas—PSA

NASA 3.9 percent ang unemployment rate sa bansa nitong buwan ng Marso.

Katumbas ito ng dalawang milyong Pilipino na walang trabaho o nawalan ng trabaho ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Mas mataas nga lang ito sa unemployment rate na naitala noong Pebrero na nasa 3.5%.

Samantala, ang kabuuang labor force ng bansa noong Marso ay nasa 51.5M kumpara sa 50.75M noong Pebrero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble