Finals ng vovinam sa SEA Games, nauwi sa bunutan

Finals ng vovinam sa SEA Games, nauwi sa bunutan

INILAHAD ng pinakamataas na opisyal ng Philippine Olympic Committee (POC) na dapat ay mas marami ang gold medals ng Pilipinas.

Nangunguna si Hergie Bacyadan ng Team Philippines sa larong vovinam sa 32nd SEA Games.

Pero sa kabila nito ay silver medal lang ang kaniyang maiuuwi.

Nakaharap ni Hergie si Thi Thailando Ngan Bui ng Vietnam sa finals.

Tabla ang dalawa sa three round fight, muli na namang nag-tabla sa dalawang extra rounds, pero ang Pilipinas ay may video protest.

Sa video lamang sa isang suntok si Hergie bago ang buzzer. Nagkaroon ng review ang technical committee, ngunit iginiit na Vietnam na lamang pa rin sila dahil sa isang counter.

Magkakaroon sana ng isa pang round ngunit tinanggihan na ito ng Vietnam at naiuwi na lamang sa raffle.

50% ng silver medals ng Pilipinas dapat Gold—POC President

Ayon kay Philippine Olympic Committee Chair Bambol Tolentino, hindi ito ang unang pagkakataon na nagparaya ang Pilipinas.

Sa isang exclusive interview, sinabi ni Tolentino na 30 to 50 percent ng silver medals ay dapat naging gold dahil sa tinatawag na “subjective sports”.

May mga laro din na gold medal ang dapat tatanggapin ngunit pumayag na lamang sa pangalawang puwesto bilang paggalang sa host country.

“That’s all subjective sports, di natin maalis yun. Advantage lagi ang host. Hindi lang ang vovinam ang nag draw lots kung sino ang panalo…. May iba jan na pinakiusapan dahil nanonood ang top government official nila,” saad ni Bambol Tolentino, President, PH Olympic Committee.

Sa kabila nito ay tiniyak ni POC President Bambol Tolentino na hindi na ito mauulit sa mga susunod na SEA Games.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter