Food trucks sa Thailand, target na maging bagong tourism trend

Food trucks sa Thailand, target na maging bagong tourism trend

NANINIWALA ang Department of Business Development (DBD) ng Thailand na susi ang mga bagong food trucks ng bansa para sa pagpapaunlad sa sektor ng turismo nito.

Ayon kay Thailand DBD Director-General Thosapone Dansuputra, maraming mamamayan sa bansa ang nagkaroon ng interes sa food truck culture pati na rin ang paglikha ng mga oportunidad sa kooperasyon.

Sa isinagawang 5 araw na pagtitinda ng mga food truck na pinangunahan ng mga small and medium enterprises, nakapag-generate na ito ng 3 million o 90,000 US dollars.

Inihayag din ng DBD na nakikipag-ugnayan sila sa mga financial institution tulad ng Krungthai Bank, Bank of Adyudhya, Government Savings Bank, TMB Thanachart Bank at United Overseas Bank upang magbigay ng payo sa mga aplikanteng gustong umutang ng kanilang food truck.

Samantala, inihayag naman ng operator ng food truck team Chang, na nakatulong ang mga makabagong food trucks na mapalawak pa ang market sector ng mga food truck operator.

Follow SMNI NEWS in Instagram