Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng mahigit 200-K trabaho—DTI

Foreign trips ni PBBM, nagbukas ng mahigit 200-K trabaho—DTI

NAKAPAGDALA ng mahigit 200,000 oportunidad sa trabaho para sa mamamayang Pilipino ang mga opisyal na paglalakbay sa ibang bansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. mula sa huling quarter ng 2022-2023.

Ito’y bukod pa sa bilyun-bilyong pisong halaga ng investment pledges na naiuwi ni Pangulong Marcos sa Pilipinas.

Base sa update sa investment leads mula sa presidential at state visits ni Pangulong Marcos, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang mga biyahe ng Pangulo noong 2022 ay nakabuo ng 7,100 job opportunities mula sa Indonesia noong Setyembre 4-6; hindi bababa sa 14,932 mula sa Singapore noong Setyembre 6-7; at 98,000 mula sa New York noong Setyembre 18-24.

Nag-uwi rin si Pangulong Marcos ng 5,500 na oportunidad sa trabaho mula sa kaniyang pagbisita sa Thailand noong Nobyembre 16-19; hindi bababa sa 6,480 mula sa kaniyang pagbisita sa Belgium noong Disyembre 11-14; at 730 mula sa Netherlands noong Disyembre 15-17.

Para sa 2023, binanggit ng DTI na ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa China noong Enero 3-5 ay nagresulta sa 32,722 trabaho; 24,000 mga oportunidad sa trabaho mula sa kaniyang pagbisita sa Japan mula Pebrero 8-12; 6,386 mula sa kaniyang pagbisita sa Washington, DC noong Abril 30 hanggang Mayo 4; at 8,365 mula sa Malaysia noong Hulyo 25-27.

Ang pagbisita ng Pangulo sa Singapore noong Setyembre 14-17 ay nakabuo rin ng 450 na oportunidad sa trabaho; 2,550 na trabaho mula sa kaniyang pagbisita sa Estados Unidos noong Nobyembre 14-17; at, 15,750 trabaho mula sa kaniyang pagbisita sa Japan noong Disyembre 15-18.

Nauna nang inihayag ni Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go na ang P69-B na halaga ng investment pledges mula sa state visit ni Pangulong Marcos sa Japan ay na-actualize na, na nagbibigay ng libu-libong oportunidad sa trabaho sa mga Pilipino.

Foreign visits ni PBBM, nagresulta ng halos P300-B halaga ng investments

Kaugnay rito, iniulat din ng DTI na umabot sa P294-B ang halaga ng actualized investments mula sa presidential at state visits ni Pangulong Marcos ngayong taon.

Sinabi ni DTI-Board of Investments (BOI) Usec. Ceferino Rodolfo na ang mga foreign trip ni Pangulong Marcos ay nakapag-actualize ng P227.72-B na pamumuhunan para sa walong proyekto; P44.02-B para sa 11 proyekto; at P22.17-B para sa siyam na proyekto noong Disyembre 21.

Nabanggit ng DTI official na ang mga pangakong pamumuhunan kay Pangulong Marcos sa kaniyang mga opisyal na paglalakbay sa ibang bansa na na-‘actualized into projects’ ay nakarehistro na sa investment promotion agencies tulad ng BOI at Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble