MAAARING matulad kay Ninoy Aquino si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung ipipilit nitong makauwi sa Pilipinas.
Tugon ito ni Vice President Sara Duterte sa kaniyang ama, lalo na’t palagi nitong tinatanong kung kailan siya makakalabas sa detention center ng International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.
Sa kabila ng posibilidad na ito, ibinahagi ni VP Sara na sinabi ni FPRRD sa kaniya na hindi na bale kung ganoon ang mangyayari, basta maiuwi siya sa Pilipinas.
Napaslang si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983 sa tarmac ng Manila International Airport, na ngayon ay Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos bumaba mula sa eroplano galing Estados Unidos.
Si Aquino ay kilalang kritiko ng diktadurya ni Ferdinand Marcos Sr.
Follow SMNI News on Rumble