FPRRD, nilinaw ang ‘principle of non-refoulement’ sa pagtanggap ng Afghan refugees

FPRRD, nilinaw ang ‘principle of non-refoulement’ sa pagtanggap ng Afghan refugees

KINAKAILANGANG pag-aralan ang desisyon ng pagtanggap ng Afghan refugees sa Pilipinas dahil na rin sa prinsipyo ng non-refoulement ng international human rights law kung saan hindi maaaring ibalik ang mga ito sa kanilang bansa dahil posibleng makatanggap ito ng mga pag-uusig.

“We are supposed really to act with kindness to our fellowmen but you know it is a good statement only if there is no attendant dangers ahead. Mahirap ‘yan,” pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ipinaliwanag ni dating Pangulong Duterte na dapat ay pag-aralan ang pagtanggap ng Afghan refugees sa Pilipinas dahil kung sakaling makapasok ang mga ito, ay mahihirapan na ang bansa na ibalik ang mga ito sa Afghanistan.

Sa programang ”Gikan sa Masa Para sa Masa” nitong Lunes kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, ani dating Pangulong Duterte, ito ay base na rin sa principle of non-refoulement ng international human rights law kung saan nakasaad na ang mga tinanggap na asylum seeker ng isang bansa ay hindi maaaring ibalik sa bansang pinagmulan nito kung makatatanggap ito ng pag-uusig roon.

“Foreign Relations Expert, Sass Rogando Sasot discusses the principle of non-refoulement, a fundamental principle of international law that forbids a country receiving asylum seekers from returning them back to a country in which they would be in probable danger of persecution based on “race, religion, nationality, membership of a particular political social group or opinion,” ayon pa sa dating Pangulo.

“So itong problema dito, it says that kung tinanggap na natin sila dito Pastor, maybe in due time, in our consideration, or maybe changes in the political or social dito sa worldwide, hindi natin sila pwedeng ibalik doon. Pag pinapasok nila sa atin dito, we are now prohibited from returning them to their country of origin.”

It’s does not even say that violently return or because sabihin mo lang, pakiusapan mo. Just talk to them and say, go home to your home country,” wika ni FPRRD.

Ayon sa dating Pangulo, kailanman ay walang pinanigan ang Pilipinas sa ganitong mga isyu pero ipinaliwanag nito na ang nakalagay sa Konstitusyon na dapat ay isulong ang independent foreign policy kung saan magpopokus lamang ito sa magpauunlad sa interes ng bansa at magproprotekta sa soberanya nito.

“Race, wala man tayo. We are not bias against anybody, not that I know of. Having been President, I can say with certainty that we never had any biased or prejudice against our fellowmen in this planet,” dagdag ni FPRRD.

“Article II, Section 7 states that:

The State shall pursue an independent foreign policy. In its relations with other states the paramount consideration shall be national sovereignty, territorial integrity, national interest, and the right to self-determination,” saad ng dating Pangulo.

Militar, dapat manindigan ukol sa isyu ng pagtanggap ng Afghan refugees—dating Pangulong Duterte

Kaya naman hinimok ng dating Pangulo ang militar na manindigan para protektahan ang seguridad ng bansa sa gitna ng ganitong mga usapin.

“It is very important that our military must have a say in this matter.”

“The military of the government of the Republic of the Philippines has that sworn sacred duty to protect our country and I demand as a Filipino citizen — mahal ko man ang bayan ko kagaya ninyo — I demand that you do the utmost to protect the country,” aniya.

“Not just by suddenly, if we are available. It’s not that. The military of the Republic of the Philippines has a sacred duty to tell us na tama ba ito o hindi. It’s not just the politicians there,” diin nito.

Ani Duterte, ano ang gagawin ng bansa kung sakaling ang tinanggap nitong Afghan refugees ay hindi nakapasa sa pagpasok sa Amerika. Posibleng ang resulta nito ay maiwan na nga ang mga ito sa Pilipinas at maging sanhi pa ng problema ang hindi malinaw na pagkakakilanlan ng mga ito

“Well, the simpler question would be is: how about those who do not qualify? Would these guys go to America or to some other countries? Is there any country now to accept them after having been rejected by the process of the American government?” aniya pa.

“We might be unconsciously accepting maybe a troubled group of persons. We are not certain and I do not know how far we were allowed to vet, to assess and understand who these people are,” aniya.

Una na ngang inihayag na kung sakaling papayag ang Pilipinas ay ang gobyerno ng Amerika ang gagastos para sa mga refugee na ito na mula sa Afghanistan.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez, ang mga Afghan refugee na nakatakdang dalhin sa bansa ay dating mga empleyado ng Amerika na mananatili para sa pagpoproseso ng special immigration visas nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter