INIHAYAG ni Prime Minister Fumio Kishida na ipapakita ng G7 leaders ang paraan upang tuluyang alisin ang nuclear weapon sa mundo.
Pangungunahan ni Kishida ang tatlong araw na summit ngayong Biyernes sa Hiroshima.
Inaasahan naman na bibisitahin ng G7 leaders ang Hiroshima Peace Memorial Museum na nakalaan sa pagdodokumento ng kauna-unahang nuclear weapon noong panahon ng giyera.
Ayon kay Kishida, ang pagpapakita ng realidad at kinahinatnan ng isang nuclear attack ay magandang pasimula sa nuclear disarmament.
Pangungunahan din nito ang pag-welcome sa mga lider ng member states ng G7 kabilang ang Britain, Canada, France, Germany, Italy, Japan at Estados Unidos.
Inihayag din ni Kishida na ang G7 ay magpapaabot ng matibay na mensahe ng proteksiyon sa kasalukuyang international order at hindi hahayaan ang China at Russia na ibahin ang status quo sa pamamagitan ng puwersa.