Mahigit 5-M bata sa bansa, nabakunahan kontra tigdas at rubella simula Mayo 1

Mahigit 5-M bata sa bansa, nabakunahan kontra tigdas at rubella simula Mayo 1

TINATAYANG nasa mahigit 5-M mga bata sa buong bansa ang nabakunahan ng Department of Health (DOH) kontra tigdas at rubella simula noong Mayo 1.

Ito’y bahagi ng catch up vaccination plan ng DOH sa ilalim ng ‘Chikiting Ligtas Campaign’.

Pagdating naman sa polio ay nasa mahigit 1.6-M na mga bata ang nabakunahan sa buong bansa.

Habang pagdating sa Vitamin A supplement ay nasa 2.2-M na mga kabataan ang nabigyan ng DOH.

Patuloy namang hinihimok ng kagawaran ang publiko na pabakunahan ang kanilang mga maliliit na anak at apo para maiiwas sila sa  mga sakit at mapigilan ang pagkalat.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter