Gaza War, malaking banta sa ekonomiya ng mundo—IMF at World Bank

Gaza War, malaking banta sa ekonomiya ng mundo—IMF at World Bank

MALAKING banta sa ekonomiya ng mundo ang digmaan sa Gaza Strip at ang pang-aatake ng mga sasakyang pandagat sa Red Sea.

Lalo na kung magtatagal pa ito ayon sa International Monetary Fund (IMF).

Ipinaliwanag ni IMF Managing Director Kristalina Georgieva, ang spillover o ang mas paglawak pa ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas Militant Group ng Palestine ang isa sa maaaring sanhi ng banta.

Ito’y dahil halimbawa sa Red Sea, mga barko na nagdadala ng produkto ang nahaharang at inaatake ng Houthi Rebels ng Yemen na sumisimpatiya sa Hamas.

Sa datos pa nga ng UN Conference on Trade and Development, bumaba ng mahigit 40% ang commercial traffic sa Suez Canal sa Red Sea sa loob lang ng dalawang buwan dahil dito.

Kaugnay rito, gawa ng karamihan ay umaasa ang IMF maging ang World Bank na mahinto na ang Gaza War.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble