OPISYAL nang natapos ang Generation Alpha ayon sa Australian research firm na McCrindle!
Simula nitong Enero 1, 2025, Generation Beta na ang itatawag sa mga kabataang ipanganganak ngayong taon hanggang sa 2039.
Binigyang-diin ng nabanggit na Australian firm, kung pamilyar ang Gen Alpha sa mga smart technology at inisyal na introduksiyon sa artificial intelligence, mas maging babad pa ang Gen Beta sa A.I. at automation.
Kung matatandaan, ang Gen Alpha ay ang mga ipinanganak sa pagitan ng 2010 hanggang 2024.