PINAKAMABILIS na lumaking problema ngayon sa bansang Amerika ang pagtaas ng insidente ng ghost guns.
Ito ay ang mga baril na hindi rehistrado at hindi natutukoy o untraceable ng mga awtoridad.
Matatandaan na dumadami ang insidente ng tinamaan ng stray bullets sa US na mula sa ghost guns.
Ayon sa mga eksperto, tumaas ng mahigit sa 1,000 porsiyento ang bilang ng ghost guns na narekober mula sa mga crime scenes ng Bureau of Alcohol, Tobacco, Firearms and Explosives (ATF) simula noong 2017.
At dahil walang serial numbers sa mga gun frame kaya hirap ang mga awtoridad na tukuyin o habulin ang mga gun dealer na nagbenta nito lalo na sa mga menor de edad.