Grupo ng MNLF sa Davao City, nagpahayag ng buong suporta kay Pastor ACQ

Grupo ng MNLF sa Davao City, nagpahayag ng buong suporta kay Pastor ACQ

KASABAY ng selebrasyon ng 56th Founding Anniversary ng Moro National Liberation Front (MNLF) Davao City State Revolutionary Committee (MNLF-DCSRC) ang pagpapahayag ng suporta ng samahan para kay Pastor Apollo C. Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na kilala bilang isang indibidwal na may malaking respeto at kumikilala sa paniniwala ng ating mga kababayang Muslim.

Sa naganap na pagtitipon, inihayag ni Atty. Emmanuel Fontanilla na bilang abogado, hindi nila nakikitaan ng anumang bahid ng katotohanan ang mga ibinabato kay Pastor Apollo, aniya nakakalungkot na ginagamit ang Senado para mag-akusa ng mga inosenteng indibidwal.

Ayon naman kay Rolando “Aziz Monk” Olamit, Secretary General for Political Mobilization & Current State Chairman ng MNLF sa Davao City na hindi umano makatarungan ang ginagawang trial by publicity kay Pastor Apollo.

Dahil dito, nagpahayag din ang ating mga kababayang Muslim ng MNLF ng kahandaan nitong lumaban para sa katarungan kay Pastor Apollo.

Sa huli, ang kanilang panawagan sa kasalukuyang pamahalaan ay katarungan para kay Pastor Apollo at pagkakaisa para sa taong bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter