Halos 100-k katao, apektado ng Bagyong Amang

Halos 100-k katao, apektado ng Bagyong Amang

AABOT sa halos 100,000 katao o higit 25,000 pamilya ang apektado ng Bagyong Amang mula sa 162 na barangay sa bansa.

Ito ay batay sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Aabot naman sa higit 12 libong indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 76 na evacuation centers.

Wala namang naitalang nasawi, nasugatan o nawawala dahil sa bagyo.

Samantala, umaabot na sa higit 12 milyong piso ang agricultural damage ng bagyo kung saan 1,324 na magsasaka at mangingisda ang apektado.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter