HALOS 700 lamok at kiti-kiti ang itinurn-over ng 21 residente ng Brgy. Addition Hills sa pagsisimula ng programang “May Piso sa Mosquito.”
Katumbas ng P1.00 ang bawat limang lamok o kiti-kiti. Papatayin ang mga ito sa loob ng tinatawag nilang “death chamber.”
Ang inisyatibong ito ng barangay ay hakbang laban sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa lugar, kung saan naitala ang 44 kaso at 2 nang nasawing bata ngayong Pebrero.
Follow SMNI News on Rumble