Halos 800-K na dating benepisyaryo ng 4Ps, ibinalik—DSWD

Halos 800-K na dating benepisyaryo ng 4Ps, ibinalik—DSWD

UMABOT ng halos 800-K (793-K) ang ibinalik na mga pamilya bilang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipinong Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang naturang bilang ay idinagdag sa kasalukuyang 4.2-M na mga benepisyaryo.

Dahil dito, ang mga bagong aplikante na nasa 200-K ay inilagay sa waitlist.

Ang rason ng pagbabalik ng 800-K bilang benepisyaryo ayon kay 4Ps National Program Management Office Director Gemma Gabuya ay nakita ng DSWD na hindi lahat ng mga naka-graduate sa 4Ps ay handa na talaga para mag-exit sa programa.

Simula nang mag-umpisa ang programa noong taong 2007, nasa 500-K pa lang ang ganap na nakapag-exit sa 4Ps.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble