Halos 90 howler monkeys sa Mexico, patay dahil sa mainit na panahon

Halos 90 howler monkeys sa Mexico, patay dahil sa mainit na panahon

NATAGPUANG patay ang halos siyamnapu (83) na howler monkeys sa Tabasco, Mexico.

Sinasabing ang mga ito ay nahulog mula sa mga puno dahil sa napakainit na panahon sa bansa.

Tinatayang nasa 45 degrees Celsius ang temperatura sa Mexico kung kaya’t naaapektuhan na rin ang howler monkeys.

Sa kasalukuyan ay tuyo na ang mga lawa at water reservoirs sa Mexico dahilan para hindi na sapat ang suplay ng tubig doon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter