Hindi sang-ayon si Health Secretary Francisco Duque III sa panukala ng ibang mga kumpanya na kailangang magpabakuna muna ang mga empleyado laban sa COVID-19 bago pa man ito payagang makapag trabaho.
Sinabi ni Secretary Duque na pag-uusapan pa nila ng Inter-Agency Task Force ngunit personal siyang hindi pabor sa ideyang ito dahil sa kakulangan sa suplay.
Dagdag pa nito, hindi na ito kailangang ipatupad dahil sa aniya ay nagta trabaho na ang mga manggagawa sa kalagitnaan pa man ng COVID-19 pandemic.
Hinimok naman ng isang Labor Group ang pamahalaan na itigil ang nakaka-diskriminang polisiyang ito para sa mga empleyado.
Sinabi ng Association of Labor Unions na nakatanggap na ito ng ilang reklamo kung saan ilan umano sa mga manggagawa ay sinabihan ng kanilang employer na hindi pababalikin ang mga ito sa trabaho hangga’t hindi nababakunahan ang mga ito.
Sinabi din ng labor group na kailangan nang mang-himasok ng Department of Labor and Employment bago pa man ito maging normal ang nasabing polisiya sa mga kumpanya.
Para sa mga karagdagan pang mga updates, maaari ring bisitahin ang website ng Department of Health. http://www.doh.gov.ph/ o sa facebook page, https://www.facebook.com/OfficialDOHgov.