PATAY nang tambangan ang hepe ng pulisya sa Ampatuan, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Police Lieutenant Reynaldo Samson.
Ayon kay Police Major Reggie Abellera, PIO ng Maguindanao Police, nangyari ang insidente kaninang alas-10 ng umaga sa Barangay Kapinpilan.
Nakasakay umano si Samson sa patrol car kasama ang iba pang pulis nang tambangan.
Patuloy na hinihintay ang karagdagang impormasyon hinggil sa insidente.