Higit 12-M turista, bumisita sa Thailand sa unang apat na buwan ng taon

Higit 12-M turista, bumisita sa Thailand sa unang apat na buwan ng taon

UMABOT sa higit labindalawang milyong dayuhang turista ang dumating sa unang apat na buwan ng taon sa Thailand.

Ayon sa Tourism Authority of Thailand (TAT) umangat ang bilang ng dayuhang bisita sa higit isandaan at apatnapung porsyento mula sa kaparehas na panahon mula noong nakaraang taon.

Ayon sa TAT, ang sampung nangungunang bansa na mayroong dayuhang turista sa Thailand ay China, Malaysia, Russia, South Korea, India, Laos, Germany, United Kingdom, Taiwan at United States.

Top 10 nationals that visited Thailand (January-April 2024):

2,351,909 Chinese

1,569,856 Malaysians

767,210 Russians

679,481 South Koreans

643,587 Indians

403,107 Laotians

375,224 Germans

368,564 UK tourists

358,990 Taiwanese

355,452 US citizens

Ayon naman sa TAT, inaasahan nitong aabot sa higit walong milyong dayuhang turista ang papasok sa Thailand sa ikalawang kwarter mula abril hanggang hunyo ng nakarang taon.

Inaasahan na mag-aambag ito ng higit tatlundaan at animnapung bilyong baht sa kita ng bansang Thailand.

Follow SMNI NEWS on Twitter