Higit 300 turista mula US at Europe lulan ng Silver Spirit Cruise Ship, sasalubungin ng DOT

Higit 300 turista mula US at Europe lulan ng Silver Spirit Cruise Ship, sasalubungin ng DOT

SASALUBUNGIN ng Department of Tourism (DOT) ang nasa higit 300 turista mula Estados Unidos at Europa lulan ng Silver Spirit Cruise Ship sa Eva Macapagal Super Terminal-Manila South Harbor ngayong Miyerkules ng tanghali.

Una nang dumaong ang nasabing luxury cruise ship sa Cabugao, Ilocos Sur kung saan ilan sa mga turista ay nag-enjoy sa 6-hour walking tour sa Vigan City at San Vicente.

Ayon sa DOT, unti-unti nang sumisigla ang ‘cruise tourism’ sa Pilipinas matapos ang halos 3 taong paghihigpit dulot ng COVID-19 pandemic.

Matatandaan na isang luxury cruise ship na rin ang dumating sa bansa noong February 10.

Dumaong sa pantalan ng Romblon ang Silver Shadow lulan ang nasa 228 turista mula Amerika at Europa.

Follow SMNI NEWS in Twitter