Higit 400 OFWs patungong Saudi Arabia, hindi nakaalis ng Pilipinas ngayong araw

Higit 400 OFWs patungong Saudi Arabia, hindi nakaalis ng Pilipinas ngayong araw

NASA 464 overseas Filipino workers (OFWs) na patungong Saudi Arabia ang hindi pinayagang makaalis ng Pilipinas ngayong araw.

Ito ay matapos ipag-utos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang agarang pagpapahinto ng deployment ng OFWs sa nasabing bansa.

Sa press briefing, sinabi ni DOLE-Information and Publication Service (IPS) Director Rolly Francia na ipinatupad ang deployment ban dahil sa paglabag kung saan nire-require ang OFWs ang sasagot sa mga COVID-19 safety protocols at insurance coverage.

Ayon kay Francia, dapat sinasagot ng foreign agencies ang gastusin sa COVID-19 health and safety protocols kabilang ang testing at quarantine ng mga OFW.

Sinabi rin ni Francia na hindi muna magpo-proseso ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Jeddah ng mga job order at employment contracts simula Mayo 30.

Una nang sinabi ng DOLE na mananatili ang deployment ban hangga’t walang inilalabas na bagong abiso ang ahensya.

(BASAHIN: P5.2-B budget para sa repatriation ng OFWs aprubado na ni PRRD)

SMNI NEWS