IPINAKALAT ng Philippine National Police (PNP) ang 436 police service dogs bilang bahagi ng pagsiguro sa kaligtasan at seguridad ng publiko.
Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na kinabibilangan ito ng 364 explosive detection dogs at police service dogs na sinanay sa paghahanap ng ilegal na droga.
Ayon kay Fajardo, idineploy ang police service dogs sa matataong lugar katulad ng terminal ng bus, paliparan, pantalan, at malls.
Malaki aniya ang maitutulong ng police service dogs upang hindi basta-basta mailusot ang mga kontrabando.
Simula Disyembre 15 ay itataas na ng PNP ang full alert status kasabay ng pag-uumpisa ng tradisyunal na Simbang Gabi.