NABUO na ng awtoridad ang fragments ng bomba na ginamit sa pagsabog sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City nitong weekend.
Sa pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na ang pampasabog na ginamit ay mula sa 60mm mortar at rifle granade launcher.
Ayon kay Fajardo, base sa nilabas na qualitative examination ng PNP Forensic Group ay ginamitan ang bomba ng high explosive na TNT.
Umapela ang awtoridad sa sinumang may impormasyon sa dalawang suspek na sina Kadapi Mimbesa, alyas Engineer; at Arsani Membesa, alyas Khatab na makipagtulungan sa imbestigasyon.
Patuloy ring iniimbestigahan ang dalawang indibidwal na umano’y nagsilbing lookout ng mga suspek.