NAITALA ng Department of Tourism (DOT) ang higit 5.45-M na international tourist arrivals sa 2023.
Ito ay lagpas sa target na bilang ng mga turista ng DOT na 4.8-M.
South Koreans, nanguna sa dami ng tourist arrivals sa bansa—DOT
Sa nasabing bilang, ang South Korea ang may pinakamataas na tourist arrivals sa bansa na umabot sa higit 1.43-M.
Sinundan ito ng Estados Unidos, Japan, Australia, at China.
Pasok din ang Canada, Taiwan, United Kingdom, Singapore, at Malaysia sa may pinakamaraming tourist arrival sa bansa.
Kita ng Pilipinas sa turismo nitong 2023, lumobo
Dahil dito, lumobo ang kita ng bansa sa ‘tourism receipts’ at kapansin-pansing pagtaas sa 124.87% o P482.54-B nitong 2023.
Ito ay kung ikukumpara sa tinatayang higit P214.58-B tourism revenue na naitala noong 2022.
Sa 2024, tinatarget ng DOT ang 7.7-M international visitor arrivals.