UMABOT sa 1,044 pamilya o 5,220 indibidwal na naapektuhan ng matinding pagbaha sa Tubod, Lanao del Norte.
Ito ay kasunod ng mga pag-ulan dulot ng Low Pressure Area (LPA).
Sa ulat ng NDRRMC ngayong Martes, Enero 3, nagmula ang mga apektadong residente sa 13 barangay sa Tubod.
Agad silang dinala sa mas ligtas na lugar habang patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon.
Samantala, nananatili sa 51 ang naiulat na nasawi sa iba’t ibang rehiyon dahil sa mga pag-ulan dulot ng shear line.