UMABOT na sa P36.8 milyon ang halaga ng ayudang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang naapektuhan ng matinding pag-ulan dulot ng shear line noong Pasko.
Maliban sa family food packs, namahagi rin ng cash assistance sa mga apektadong pamilya katuwang ang mga lokal na pamahalaan.
Batay sa pinakahuling datos ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, nasa halos 3,000 pamilya ang nanunuluyan pa sa mga evacuation center.
Habang nasa 172 na pamilya o 737 na indibidwal ang pansamantalang nakikitira sa kanilang mga kaanak.
Aabot na rin sa 467 na kabahayan ang totally damaged habang 3,211 naman ang partially damaged sa 8 rehiyon sa bansa.