BATAY sa datos ng Office of the Vice President (OVP), umabot na sa 1,025,275 na mga pasahero mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ang napaglingkuran ng kanilang Libreng Sakay mula Enero hanggang Disyembre ng 2024.
Ayon sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte na ang nasabing programa ay may layuning makapagbigay ng mas accessible, ligtas, at mabilis na transportasyon sa bawat Pilipino.
Sa kasalukuyan, mayroon nang siyam na OVP Libreng Sakay Buses sa Metro Manila, Naic, Cavite, Cebu, Bacolod, at Davao.
Lubos naman ang pasasalamat ng OVP sa lahat ng mga pampubliko at pribadong sektor na naging bahagi ng programang ito.