Hindi tamang pagbebenta ng bigas ng NFA sa ilang negosyante sa paluging presyo, pinaiimbestigahan– DA Chief

Hindi tamang pagbebenta ng bigas ng NFA sa ilang negosyante sa paluging presyo, pinaiimbestigahan– DA Chief

IPINAG-utos ngayon ni Department of Agriculture (DA) Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., ang malalimang imbestigasyon sa natanggap sa ginagawa ng National Food Authority (NFA).

Ayon kay Laurel, nagbebenta umano ng libu-libong tonelada ng bigas ang NFA sa ilang traders sa presyong talo ang pamahalaan.

Kung kayat, isang panel of investigators ang binuo nito para imbestigahan ang ilang NFA officials na sangkot sa umanoy bentahan ng bigas.

‘’We do not brush aside reports of impropriety against officials of the Department of Agriculture, regardless of the source,’’ ayon kay Sec. Francisco Tiu Laurel Jr.

Posible rin aniyang sila ang nagbigay ng pahintulot para ibenta ang mga giniling na bigas na nakaimbak sa mga warehouse ng NFA.

Dagdag ng kalihim, ipinagbibili lamang sa P25 ng walang kaukulang bidding matapos bilhin ang butil ng palay sa halagang P23/kg.

Aniya, welcome sa kanila ang sinumang ahensya ng gobyerno na gustong magsagawa ng kanilang sariling imbestigasyon para lang lumabas ang katotohanan.

‘’We also welcome any government agency who may wish to conduct their own probe to ferret out the truth,’’ saad nito.

Follow SMNI NEWS on Twitter