House Committee on Ethics, sinabing hindi inabuso ang kapangyarihan

House Committee on Ethics, sinabing hindi inabuso ang kapangyarihan

HINDI inabuso ng House Committee on Ethics ang kanilang kapangyarihan.

Ito ang mariing sinabi ni Rep. Ria Vergara ng naturang komite matapos irekomenda nila ang pagsuspinde kay Negros Oriental Rep. Arnie Teves, Jr.

Sinabi nito na nasa mandato ng kanilang komite ang aralin at magrekomenda ng nararapat na hakbang gaya ng sanction para sa isang miyembro ng Kamara.

Mismong ipinagtibay pa ng plenaryo ang kanilang rekomendasyon matapos 292 na mga mambabatas ang bumoto para dito.

Kaugnay nito, umaapela ang kampo ni Teves na bawiin na ang suspension na ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter