Hugis ng mga estudyante sa UP, nagbago na—Atty. Roque

Hugis ng mga estudyante sa UP, nagbago na—Atty. Roque

NAGBAGO na ang hugis ng mga estudyante sa University of the Philippines (UP)-Diliman.

Ito ang komento ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque sa panayam ng SMNI News hinggil sa napabalitang walang naihalal na chairman at vice chairman ang UP para sa kanilang student council.

Kauna-unahan itong pagkakataon na nangyayari sa student council sa UP.

Magugunitang kilala ang UP bilang isang paaralan na sumusuporta sa teroristang grupo na Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na pinupuksa ng pamahalaan.

Naniniwala rin si Roque na magandang ‘reflection’ ito sa pamamahala ng Marcos-Duterte tandem.

Sa naging resulta ng kanilang botohan noong Mayo 24, 2023, mas marami ang nag-abstain.

May kabuuang 5,745 na mga mag-aaral ang nag-abstain habang 3,756 lang ang bumoto sa isang kumakandidato bilang chairman.

Nasa 5,631 naman ang nag-abstain sa vice chairmanship post habang 3,870 lang ang bumoto ng mga kumakandidato para sa puwesto.

Imbis naman na 12 na councilors, 8 ang naihalal batay sa resulta.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter