Hurricane Ian, isa sa mga pinakamalupit na bagyo na naitala sa kasaysayan ng Amerika, aabot sa mahigit $100-B ang pinsala

Hurricane Ian, isa sa mga pinakamalupit na bagyo na naitala sa kasaysayan ng Amerika, aabot sa mahigit $100-B ang pinsala

SA pagwasak ng Hurricane Ian sa timog-silangan ng Estados Unidos, nagbigay si Pangulong Joe Biden ng detalyadong ulat ukol sa tugon ng kanyang administrasyon sa mapangwasak na bagyo, at tinawag itong “isang krisis sa Amerika.”

“We’re just beginning to see the scale of that destruction. It is likely to rank among the worst in the nation’s history. You have all seen on television, homes and property wiped out. It is going to take months, years to rebuild,” ayon kay US President Joe Biden.

Sinabi ng Founder at CEO ng AccuWeather na si Dr. Joel N. Myers na ang malawakang pinsala ng Hurricane Ian, na nagdulot ng “nakamamatay na storm surge, nakakapinsalang hangin, at baha,” ay maaaring magresulta sa higit sa $100 bilyon na pinsala at pagkalugi sa ekonomiya para sa Florida at ilang nakapaligid na estado.

Sa ngayon, halos isang milyon na kabahayan pa rin ang walang kuryente. Bukod pa rito, nag-aalala ang mga eksperto sa pamamaraan at sistema ng mga insurance company sa mga ari-arian ng estado na tinatayang hahantong pa sa mas mataas na mga premium.

Sa pinsalang nangyari, maaaring magdulot ng hanggang 47-B na pagkalugi ang mga may insurance, ayon sa pinakahuling pagtatantya.

Ngunit ang mas nakababahala ay ang mga pamilya at mga kabahayang walang insurance.

Sa 1.8 milyong kabahayan sa 9 na mga county ng Florida, 29 percent lamang ang may federal flood insurance, ayon sa pagsusuri ng mga talaan ng pamahalaan.

Nag-iiwan ito ng 1.3 milyong kabahayan sa ground zero na walang federal flood coverage.

Sa ngayon, na unti-unting humihina ang bagyo, bumuhos naman ang mga suporta at tulong sa mga biktima ng mapaminsalang kalamidad.

Ang bagyo ay nagresulta sa hindi bababa sa 50 katao na namatay, kabilang ang 46 katao sa Florida na karamihan ay nalunod samantalang ang iba naman ay dahil sa mga trahedya na epekto ng bagyo.

 

Follow SMNI News on Twitter