MAGANDA man ang takbo ng turismo pero nasa ika-limamput isang ranggo ang Thailand pagdating sa ekonomiya at ikapito naman sa Asya.
Ito ang lumabas sa huling pag-aaral ng growth quality na isinagawa ng Chulalongkorn Business School at World Economic Forum.
Ayon sa taunang Future of Growth Report 2024, ang Thailand ay bumabagsak pagdating sa sustainability development.
Binubuo ng isandaan at pitong bansa ang pag-aaral na ito sa growth quality kung saan nangunguna nga ang Sweden na sinundan naman ng Switzerland, Finland, Denmark at the Netherlands.
FUTURE OF GROWTH REPORT 2024
- Sweden – 71.15
- Switzerland – 69.49
- Finland – 68.74
- Denmark – 68.57
- The Netherlands – 66.07
Sa Asya, ang Thailand ay naungusan ng Japan na nasa ika-labing isang pwesto, South Korea na nasa ikalabindalawa, Singapore na nasa ika-labing anim, Malaysia na nasa ika-tatlumput isa, Vietnam na nasa ika-tatlumput anim at Indonesia na nasa ika-limampu.