PORMAL nang pinasinayaan ang ika-100 Malasakit Center na pinangunahan ni Senator Bong Go at ng mga opisyal ng mga katuwang na ahensiya ng pamahalaan kahapon, Enero 3.
Binuksan ang ika-100 Malasakit Center sa Research Institute of Tropical Medicine o RITM sa may Alabang Muntinlupa kasama ng mga partner agencies nito gaya ng PhilHealth, DOH, DSWD at PCSO.
Kasama ding dumalo sa naturang kaganapan si Health Secretary Francisco Duque III.
Ayon kay Go sa pinaiiral na batas, 73 na mga ospital sa bansa na nag-ooperate sa ilalim ng Department of Health ay dapat magkaroon ng Malasakit Center kabilang na ang RITM.
Meron silang dapat sundin para makapaglagay ng Malasakit Center.
Sa huling datos, ang Luzon ay may 54 na Malasakit Center ngayon, ang Visayas may 22 habang ang Mindanao ay may 24.
Sa bilang na ito , 58 sa mga local government units, 40 ang nasa ilalim ng Department of Health at tig-isa naman sa SUC at military hospital.
Sa ngayon higit 2 milyon nang katao ang nakinabang sa Malasakit Center.
Samantala, nakahanda naman si Senator Go na makiusap kay Pangulong Rodrigo Duterte na maihabol sa budget ang testing laban sa bagong UK variant o genome sequencing kahit hindi na ito naisali sa 2021 budget
Pero dahil tapos na ang budget 2021 ay naniniwala ang opisyal na maaaring gawin ito ng paraan executive department o maaring kunin sa contingency fund ng pangulo.
Samantala ayon din kay Go inaasahan na ngayong buwan ay darating na ang unang inorder na vaccine sa bansa para sa unang quarter ng taon kabilang na dito ang Covax.
Nangako din ang World Health Organization o WHO na magpapadala din ito sa bansa ng 117K na bakuna ng Pfizer at AstraZeneca na aabot sa higit 5 milyon.
Pero para kay Health Secretary Francisco Duque III unang makikinabang muna sa unang darating na bakuna ang mga medical frontliner o lahat ng mga nagtatrabaho sa hospital.