Ilang EO, nilagdaan ni US Pres. Donald Trump sa unang araw ng pagbabalik sa puwesto

Ilang EO, nilagdaan ni US Pres. Donald Trump sa unang araw ng pagbabalik sa puwesto

PORMAL nang umupo sa puwesto bilang ika-47 pangulo ng Estados Unidos si Donald Trump.

Sa kaniyang pagbabalik sa puwesto ay ilang executive order (E.O.) agad ang nilagdaan nito.

Halimbawa na rito ang E.O. na nagbibigay full pardon sa 1,500 na indibidwal na inaresto sa pag-atake sa U.S Capitol noong Enero 6, 2021.

Nagpalabas din ito ng E.O para ipagpaliban ang pagba-ban sa TikTok app sa Estados Unidos ng higit dalawang buwan.

Pinawalang-bisa rin nito ang nasa 78 executive orders na inisyu ni former President Joe Biden.

Ipinag-utos din ni Trump ang pag-alis ng Amerika sa World Health Organization na una na rin nitong naging aksiyon sa unang termino niya bilang pangulo ng Amerika noong 2020 sa kasagsagan na COVID-19 pandemic.

Nagdeklara din ito ng national emergency sa U.S.-Mexico border para mapigilan ang pagpasok ng refugees at asylum seekers.

Samantala, sa kabila ng banta ni Trump na pagpapataw ng mas mataas na taripa sa imported goods ay kaniya muna itong ipinagpaliban.

Nanindigan naman ang bagong upong pangulo sa kaniyang ‘America First’ Policy’.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter