Ilang ground handler operator sa NAIA, nakahanda na ngayong summer season at semana santa

Ilang ground handler operator sa NAIA, nakahanda na ngayong summer season at semana santa

NAKAHANDA na ngayong summer season at semana santa ang ilang ground handler operator sa Ninoy Aquino International Airport.

Paghahanda ng mga papaalis na eroplano, cargo handling, baggage services, aircraft marshaling, fueling, at marami pang iba.

Ito ang iba’t ibang serbisyo na kinahaharap ng mga ground handling operators katuwang ang airlines company na nag-ooperate sa paliparan 24 oras.

Ngunit ang hindi alam ng marami mas nahaharap sa panganib ang mga tauhan ng mga service provider lalo na ngayong tag-init.

Partikular na ang mga ramp loader at cabin cleaner.

Hindi lang ang airlines ang nagdadagdag ng mga tauhan sa tuwing may peak travel season kundi maging ang mga ground handler operator ng DNATA upang tiyakin na maibibigay nito ang kumpletong serbisyo sa kanilang partner airlines.

Kaya naman bilang partner ng airlines tinitiyak din ng DNATA na sa lahat ng peak travel season ay lagi silang nakahanda.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble