KANSELADO ng Department of Migrant Workers (DMW) ang rehistro ng 27 recruitment agencies matapos mabigong sumunod sa mga regulasyon sa pagbibigay ng maayos na temporary shelter para sa Overseas Filipino Workers (OFWs).
Kasunod ito ng isang surprise inspection ni Sen. Raffy Tulfo, kung saan natuklasan na 18-20 OFWs ang siksikan sa isang bahay.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Migrant Workers, ipinakita niya ang mga larawan ng masisikip na silid, maruruming palikuran, at kulang-kulang na first-aid kits. May ilan ding walang fire extinguishers at fire escapes.
Sa kasalukuyan, anim na rehistradong recruitment agencies na lang ang patuloy na babantayan ng ahensiya.
Follow SMNI News on Rumble