ILANG residente mula sa Panay at Negros Islands ang tumanggap ng livelihood assistance mula sa Office of the Vice President (OVP).
Sa pamamagitan ng Mag Negosyo Ta’ Day Program ng OVP, nakatanggap ng tig-labing limang piso ang nasa labing-tatlong benepisyaryo ng programa nitong January 17, 2025.
Ang mga benepisyaryong ito ay may mga negosyo tulad ng school supplies, food cart at sari-sari store.
Layon ng Mag Negosyo Ta’ Day na tugunan ang kawalan ng trabaho at mas mapalago ang kabuhayan ng mga Pilipino.
Ilan sa mga benepesiyaryo ng nasabing programa ay mga kababaihan, senior citizen, miyembro ng LGBTQIA+, kabataan, at iba pang mga sektor.