Ilang services ng BPI, pansamantalang unavailable mula Agosto 19-20

Ilang services ng BPI, pansamantalang unavailable mula Agosto 19-20

PANSAMANTALANG unavailable ang ilang serbisyo ng Bank of the Philippine Island (BPI) sa Agosto 19 at 20, 2022.

Ito ay dahil sa isasagawang system maintenance na layong pagandahin ang banking experience.

Sa abiso, sinabi ng BPI na naka-iskedyul ang systems maintenance mula 10 pm sa Biyernes, Agosto 19 hanggang 2 pm sa Sabado, Agosto 20, 2022.

Kabilang sa mga serbisyo na unavailable ay ang BPI channels, ATMs at cash accept machines (CAMs), BPI online and BPI mobile app, BPI bizlink at BPI bizko, BPI debit cards, BPI services gamit ang BPI online credentials sa partner websites at apps, interbank funds transfer sa BPI, at funding ng BPI prepaid cards.

Habang mananatiling available ang credit cards at prepaid cards service ng BPI.

Follow SMNI NEWS in Twitter